BOMBO DAGUPAN – Hindi ang Israel ang responsable sa pagpapasabog ng isang pagamutan sa Gaza na ikinasawi ng daang-daang mga katao.
Ito ang ibinahagi ni Bombo International News Correspondent Eva Maranan Cortez sa bansang Israel sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa nangyaring insidente.
Aniya na sa pakikipagpulong ni Unite State President Joe Biden kay Israeli Prime minister Benjamin Netanyahu, lumabas na malinaw na hindi galing sa Israel ang mga pampasabog na tumama sa naturang pagamutan base na rin sa pahayag ng Palestine Islamic Jihad na isang misfire ang nangyari at gayon na rin sa kuha ng mga detector ng jet fighter’s ng Israel kung saan kitang-kita umano ang pinanggalingan ng pampasabog.
Saad ni Cortez na naniniwala itong kapabayaan at kagagawan ng Palestine ang nangyaring insidente at walang anumang kinalaman ang Israel dito.
Kaugnay nito, ibinahagi naman ni Cortez na sa loob ng 22 taon nitong nagtatrabaho doon ay, nakaranas na rin ito ng ilang mga kaguluhan sa bansa, subalit sinabi nito na mas matindi ang kasalukuyan nilang sitwasyon.