Maglalabas daw ng panuntunan ang Department of Health (DOH) kaugnay ng ipapatupad na minimum health standard sa mga lugar na sakop ng general community quarantine.
Sa press briefing sa Malacañang sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi naman nalalayo sa kasalukuyang protocol ang bagong panuntunan.
“Ito yung mga pamantayan na gagawin namin ng standards, para pag maibigay itong guidelines na ‘to kasama yung guidelines ng iba pang ahensya para kapag pinatupad na itong GCQ at ECQ (enhanced community quarantine).”
Lalamanin pa rin daw nito ang paalala sa physical distancing, cough etiquette at proper hygiene.
“Magkakaroon na tayo ng new normal na dapat ma-imbide na lahat ng mga tao na kasama na ito sa pang-araw araw natin na buhay.”
Kasali rin sa minimum health standard ang expansion ng testing capacity at isolation.
“Yung testing, we should be able to reach the target of testing as much people that we can. Base on the targets, mayroon tayong 8,000 hanggang 11,000 pagdating ng katapusan ng buwan.”
“Hind lang tayo nagte-test, kailangan i-prepare natin kung saan pwedeng ilagay ang ating mga kababayan kapag na-test. So dapat yung kapasidad for isolation, especially in local government units should be there.”