-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Patay na nang matagpuan ang isang minero matapos gumuho ang “minahan ng Bayan” sa Galdang, Pasil, Kalinga noong araw ng Linggo.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Kalinga Police Provincial Office, ang biktima ay si Milnar Wa-il Bag-ayan, 35-anyos, binata at residente ng naturang lugar.
May hinala ang mga awtoridad na na-trap sa “Minahang Bayan” ang biktima matapos mahulugan ng mga bato.
Ayon sa mga kasamahan sa trabaho, nakita nilang wala ng buhay ang biktima na agad ipinagbigay alam sa pulisya.
Matagumpay na nakuha ang katawan ng biktima at nilalamayan na ngayon sa kanilang bahay.