Umaapela ngayon ang peasant group na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa gobyerno na palawigin pa ang deadline ng mandatory SIM card registration sa Abril 26.
Ayon kay KMP chairperson Danilo Ramos, milyun-milyong magsasaka, mangingisda at manggagawa sa kanayunan ang hindi pa nakapagparehistro ng kanilang SIM card.
Aniya, ang banta ng pagkawal ng kanilang access sa kanilang SIM card at iba pang social media ay isang direktang pag-atake sa kanilang karapatan na mapakinggan, magkaroon ng kaalaman at makipag-communicate.
Una ng nakiisa ang grupo sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) , National Union of Journalists of the Philippines, Bayan Muna party-list at iba pa para hilingin sa Korte Suprema na ideklara ang Republic act 11934 bilang unconstitutional dahil lumalabag ito sa maraming fundamental freedoms.