-- Advertisements --

ILOILO CITY- Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region VI ang nasa P12.5 million na halaga ng iligal na droga sa pamamagitan ng thermal decomposition sa Gegato-Abecia Funeral Homes & Crematory, Inc. sa Jaro, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Shey Tanaleon, spokesperson ng PDEA Region VI, sinabi nito na ang nasabing mga iligal na droga ay ang mga confiscated drug evidence mula sa ibat- ibang regional trial courts sa Western Visayas.

Ayon kay Tanaleon,ang nasabing mga druga ay mula pa noong 2019 na mga kaso sa korte.

Inaasahan naman ng PDEA ang muling pagsasagawa ng thermolysis ngayong taon lalo nat marami pang iligal na droga ang nakatakdang i-turn-over ng law enforcement agencies sa PDEA.