Pinalamig ng Milwaukee Bucks ang katunggali nitong Boston Celtics sa score na 131-125 sa katatapos pa lamang na laban ngayong araw
Naging mainit ang naging tunggalian ng dalawang koponan dahil hanggang sa ngayon ay nag-uunahan pa rin ito sa unang pwesto para sa Eastern Conference ng National Basketball Association.
Nakapagtala ng career high 40 points at 7 assist si Jrue Holiday para sa Milwaukee na naging dahilan upang maungusan nito ang Celtics sa huling minuto ng laban.
Umalalay naman ang 28 year old na si Giannis Antetokounmpo at nagpaulan ito ng kabuuang 36 points, 13 rebounds at 9 assist.
Samantala, nasayang naman ang diskarte ng 28 year old Celtics point guard na si Derrick White na pomoste sana ng 27 point at 12 assist.
Bagama’t nabigong manalo ang Celtics ngayong araw ay nangunguna pa rin ito sa kasalukuyang standings ng Eastern Conference na mayroong record na 41 wins at 17 loses habang ang Milwaukee Bucks ay may record na 40 wins at 17 loses ngayong season
Una rito, tinalo ng Boston Celtics ang Milwaukee Bucks sa nakaraang game 1 match nito sa score na 131-118.
Ang naturang laban ngayong araw ay ginanap sa Fiserv Forum Arena ay ito ay sinaksihan ng mahigit 17k na NBA Fans.










