-- Advertisements --

Labing-apat na tao ang nasawi nang bumagsak ang isang military helicopter sa hilagang-kanluran ng Mexico.

Isang Black Hawk helicopter ang nasangkot sa isang aksidente at inaalam pa ang sanhi nito.

Sinabi nito na ang sasakyang panghimpapawid ay may lulan na 15 katao at patuloy na ginamot sa hospital ang nag-iisang nakaligtas sa aksidente.

Nagluksa ngayon ang navy dahil sa aksidente kung saan maraming naval personnel ang namatay na nagpakita ng kanilang serbisyo at dedikasyon sa bansa.

Naniwala naman ang navy na hindi nauugnay ang aksidente sa pagkakahuli noong Biyernes sa isang kilalang drug kingpin na pinaghahanap ng United States para sa pagpatay sa isang undercover agent ng US.

Si Rafael Caro Quintero ay inakusahan ng Estados Unidos na nag-utos na e-kidnap, torture at patayin si Drug Enforcement Administration (DEA) special agent Enrique “Kiki” Camarena noong 1985.

Siya ay pinigil ng mga Mexican marines sa bayan ng Choix sa Sinaloa.