-- Advertisements --

Inanunsiyo din ng panig ng China na nagsasagawa ng pagpapatrolya ang naval at air force nito sa pinagtatalunang karagatan mula kahapon Miyerkules hanggang ngayong araw ng Huwebes.

Ito ay sa gitna ng isinasagawang 2 araw na joint patrol sa pagitan ng Amerika at Pilipinas sa West Philippine Sea

Subalit hindi naman binanggit ng Chinese military kung saan ang eksaktong lugar kung saan isinagawa ang routine patrol ng kanilang pwersa.

Ang maritime exercises nga sa pagitan ng PH at Amerika na nagsimula kahapon, Enero a-3 ay ang ikalawang beses halos 2 buwan ang nakakalipas mula noong November na sinundan ng babala ng China sa PH na anuman aniyang miscalculation sa umiigting pa na sigalot sa disputed water ay magdudulot ng isang resolute response.

Sinabi din ng Chinese military na ang kanilang tropa ay mananatiling nakataas ang alerto sa lahat ng pagkakataon at dedepensahan ang kanila umanong soberaniya at maritime rights.

Samantala, sa panig naman ng PH military, sinabi nitong Miyerkules na kabilang sa ikalawang joint patrol ngayong linggo ang 4 na barko mula sa PH Navy at 4 na barko mula sa US Indo-Pacific command kasama ang aircraft carrier, isang cruiser at 2 destroyers.