Inakusahan ng Chinese military ang US combat ship na iligal umanong pumasok sa may katubigan malapit sa Ayungin shoal.
Ayon sa tagapagsalita ng China Southern Theater of Operations, nilabag ng US ang soberaniya ng China gayundin ang kapayapaan at istabilidad sa rehiyon.
Maalala, sa nakalipas na buwan, nagprotesta ang China sa mga barko ng US na nagpapatrolya sa pinagtatalunang karagatan.
Noong Setyembre 8, namataan ang isang Maerican reconnaisance plane na US Navy P-8 Poseidon aircraft na paikot-ikot sa himpapawid malapit sa Ayungin shoal kasabay ng resupply mission ng Pilipinas kung saan pinalibutan at hinarass ng mga China Coast Guard at martime militia ships ang barko ng PCG na nag-iiskort sa resupply boats.
Noong Nobiyembre naman muling namataan ang Us Navy surveillance plane malapit sa Ayungin shoal kung saan
dose-dosenang Chinese coast guard ang nasa lugar, na humarang sa PH vessels at binombahan ng tubig o water cannon ang resupply boat ng PH na magdadala ng mga suplay sa mga tropa ng bansa sa territorial post ng bansa sa West PH Sea na BRP Sierra Madre.