-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Huli sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang MILF commander.

Sinabi ni PDEA-12 spokesperson Kath Abad na nakuhaan ng tatlong pinagdudahang sachet ng shabu na may market value na P7,800 ang nagpakilalang Jenus Galo, 42, residente ng Koronadal City .

Matagal na umanong target ng mga operatiba ng PDEA ang kasama ni Galo na isang fish vendor at ng mahuli sa buy bust operation sa Barangay west nitong lungsod pinagkanulo nito ang mga kasamahan at nagsagawa ng isa pang buybust operation sa Koronadal City na nagresulta sa pagkahuli nitong MILF cambatant .

Dagdag ni Abad na pinakita ni Galo ang ID nito sa Moro Islamic Liberation Front na may ranggo na commander.

Sabay na nahuli sa sinasabing MILF commander ang drug courier na sinasabing source ng droga ng ilang empleyado ng Sarangani Capitol na una nang nahuli sa mga buy bust operation ng mga otoridad.