-- Advertisements --

Nakahanda na ang pag-iisang dibdib ng singer na si Miley Cyrus at fiance na si Maxx Morando.

Gaganapin ang kasal ng dalawa sa Southern California.

Mahigit isang buwan ng inihanda ng dalawa ang mga detalye ng kanilang pag-iisang dibdib.

Noong nakaraang buwan ay dinala ng singer si Maxx sa stage ng Hollywood Bowl kung saan kumanta sil ang “Let’s Get Married”.

Noong nakaraang taon ng kinumpirma ng singer na nagpropose na ng kasal ang nobyo.

Magugunitang taong 2018 ng ikinasal ang singer sa aktor na si Liam Hemsworth at matapos ang isang taon ay naghiwalay sila.