Nilinaw ng boxing legend “Iron” Mike Tyson na siya ay may sakit na Sciatica matapos na kumalat ang kanyang mga litrato na siya ay nasa wheelchair at hindi makalakad.
Maalalang marami ang nag-alala sa dating boxing superstar nang lumabas ang mga litrato niya sa airport na siya ay may hawak ding tungkod.
Ngunit nilinaw ng dating undisputed heavyweight boxing champion na siya ay mayroon Sciatica na kung saan kapag umaatake ito ay halos hindi daw siya makapagsalita.
Naapektuhan ng sakit na ito ang kanyang likuran na talaga namang iniinda daw niya.
Dagdag pa niya, hindi rin daw niya akalain na siya ay magiging malakas pa sa edad na 56 dahil sa kanyang karamdaman.
Huling lumaban si Tyson ay noong taong 2020 sa isang exhibition fight. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)