Napag-alaman ng US tech firm na Microsoft na may ilang foreign activiry groups ang mas pinaigting pa ang kanilang hakbang para lamang targetin ang nalalapit na eleksyon sa Estados Unidos.
Ayon sa Microsoft, sinusubukan na umano ng mga hackers mula Russia, China at Iran na alamin ang mga personal na impormasyon tungkol sa mga tao at grupo na may kinalaman sa botohan.
Ang mga hackers na ito ay siya ring nasa likod ng di-umano’y panggugulo noong 2016 Democratic campaign.
Kapwa target ng mga ito ang kampanya nina President Donald Trump at Democatic nominee Joe Biden.
Dagdag pa ng naturang tech firm, nanggaling ang mga hackers na ito sa Strontium group kung saan mahigit 200 organisasyon na ang kanilang nabiktima. Karamihan sa mga organisasyon na ito ay may kaugnayan sa Republican at Democrats.
Kilala rin ang Strontium bilang Fncy Bear, isang cyber-attack unit na di-umano’y konektado naman sa Russian military intelligence.










