-- Advertisements --

Kinoronahan ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Arceo bilang 2nd Runner Up ng katatapos lamang na Reina Hispanoamericana na ginanap sa bansang Bolivia. 

Sa kanyang question and answer portion, binigyang-diin ni Arceo na pinapabagal ng racism at diskriminasyon ang pag-unlad sa iba’t ibang bansa kaya kailangan umano magkaroon ng respeto at maging mabait sa bawat isa dahil ito ay isang universal language na makatutulong para magkaroon ng mas mabuting pamumuhay.

Samantala, back-to-back win naman ang bansang Peru matapos koronahan bilang Reina Hispanoamericana 2023-2024 si Maricielo Gamarra.