-- Advertisements --

Nakuha ng Miami Heat ang unang panalo sa Game 1 matapos na itumba ang Philadelphia Sixers sa score na 106-92 sa simula ng Eastern Conference semifinal series.

Nanguna sa diskarte ng Miami si Tyler Herro na kumamada ng 25 points at si Bam Adebayo na nagtala ng 24 points at 12 rebounds.

Sinamantala ng Miami ang kawalan ng big man ng Sixers na si Joel Embiid dahil sa injury.

Bagamat tatlong players din sa Miami ang hindi nakalaro bunsod ng injury lalo na ang All-Star guard na si Kyle Lowry at si Duncan Robinson.

Pero baliwala ito sa maayos na opensa ng Miami.

Sa panig ng Sixers naging top scorer si Tobias Harris na may kabuang 27 points, habang si James Harden ay may 16 points.

Ang Game 2 ay gagawin sa Huwebes doon pa rin Miami.