-- Advertisements --
PBBM10 1

Nilinaw ng Malacanang na wala pang inilalabas na pangalan ang Presidential Communications Office na mga pangalan na ipupuwesto sa limang functional areas nito.

Kasunod na rin ito Ng paglalabas Ng Executive Order no. 16 para sa reorganization ng PCO.

Sa ilalim Ng EO 16 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr, magkakaroon na lamang Ng limang Undersecretaries ang PCO na siyang itatalaga bilang Undersecretary for Traditional Media and External Affairs; Digital Media Services, Content Production; Broadcast Production and Operations, at Administration and Finance.

Bukod dito ay 14 na Assistant Secretaries, at Isang Assistant Secretary na direktang magu-ulat Naman sa PCO Secretar Ang makakasama sa bagong structure Ng Kagawaran.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang EO No. 16, na naga-apruba sa PCO sa layuning i-consolidate ang communications activities ng tanggapan at matiyak na epektibo nitong maisasakatuparan ang serbisyo nito sa publiko.