-- Advertisements --
Nakatakdang isailalim ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga traffic enforcers sa Metro Manila sa pagsasanay sa pagpapatupad ng single ticketing system.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, na sa darating na Hunyo 27 ang pagsasailalim ng pagsasanay sa mga traffic enforcers.
Ang unang batch ng handheld device ay na-customize na sa pitong local government unit na kinabibilangan ng San Juan, Caloocan, Valenzuela, Quezon City, Pateros, Paranaque, at Muntinlupa.
Target ng MMDA na sa buwan ng Hulyo maipatupad ang paggamit ng handheld device bilang bahagi ng pagpapatupad ng single ticketing system.