Posibleng maapektuhan muli ng paparating na namumuong sama ng panahon ang mga lugar na dating nasalanta dahil sa bagyong Ambo.
Ayon kay Pagasa forecaster Aldczar Aurelio, maaaring maging bagyo ito sa loob ng susunod na dalawang araw.
Ilan sa mga hinagupit ng bagyong Ambo ang malaking bahagi ng Visayas, Bicol region at iba pang parte ng Luzon.
Inaasahang bibigyan ito ng pangalang “Butchoy” kung papasok na sa tropical depression category mula sa pagiging low pressure area (LPA) sa kasalukuyan.
Huling namataan ang weather disturbance formation sa layong 305 km sa silangan hilagang silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto na sa Palawan at Visayas, habang southwesterly windflow naman sa Mindanao.