-- Advertisements --

Natanggap na ng Ukraine ang unang batch ng mga tanke mula sa United Kingdom at ibang mga Western-made armored vehicles.

Ayon kay Ukraine Defense Minister Oleksii Reznikov na dumating na ang bagong dagdag na armored units sa kanila.

Kinabibilangan ito ng Challengers (main battle tanks) mula sa United Kingdom, Strykers (infantry fighting vehicles) at Cougars (infantry mobility vehicles from the mine-resistant ambush-protected family) mula sa United States, at Marders (infantry fighting vehicles) mula sa Germany.

Bukod pa dito ay nagbigay rin ang Germany ng Leopard 2 na tangkeng pandigma sa Ukraine.

Hinihintay pa ng Ukraine ang donasyon din ng US na mga M1 Abrams tanks.

Naniniwala ang Ukraine na dahil sa mga tangke ay kaya na nila ng mapatalsik ang mga Russia na sumakop sa kanilang bansa.