-- Advertisements --
Inanunsiyo ni Makati City Mayor Abby Binay na ang mga residente ng Embo Barangays na nasa lungsod ng Taguig ngayon ay maaari pa ring mabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan na ibinibigay ng kanilang lungsod.
Ayon sa alkalde na may mga lumapit sa kaniya na mga taga-Embo at nagrereklamo ng kakulangan ng access sa basic health service sa Taguig.
Naawa rin ang alkalde dahil sa maraming mga senior citizens ang hindi na makakuha ng mga libre at walang tigil na dialysis sessions at libreng maintenance medicines na ibinibigay ng Makati.
Napaloob sa probisyon na ang mga Embo barangays ay maaring makakuha ng libreng konsultasyon sa barangay health centers at sa Ospital ng Makati (OsMak).