Nagpasya ang Bureau of Corrections (BuCor) na maglagay ng “suggestion boxes” sa loob ng compound ng mga bilangguan.
Ito ay hakbang para makakuha ng feedback mula sa mga person deprived of liberty (PDLs) kung paano pinamamahalaan ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang mga bilanggo.
Sinabi ng BuCor na ang mga suggestion boxes ay magiging plaftform para sa mga PDL upang ipahayag ang kanilang mga alalahanin, magmungkahi ng mga pagpapabuti sa piitan, at mag-ambag sa pangkalahatang pagpapabuti ng sistema ng BuCor.
Nakalagay ang mga “suggestion boxes” sa mga strategic areas sa paligid ng compound ng NBP.
Sinabi rin nito na ang bureau ay kinikilala ang halaga ng feedback ng mga PDL sa pamamagitan ng aktibong paghingi ng kanilang input, na lumilikha ng isang mas maayos na bilangguan.
Dagdag pa ng kawanihan, ang mga PDL ay nagtataglay ng natatanging insight sa mga pang-araw-araw na operasyon at mga hamon na kinakaharap sa loob ng correctional system.
Sa pamamagitan ng aktibong paghingi ng kanilang input, maaari itong maging isang mahalagang mapagkukunan para sa mga administrator ng bilangguan sa pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyu at kaagad na matugunan ng mga kinauukulan.