-- Advertisements --

Nabigla ang mga mamamayan ng Serbia matapos ang naganap na magkasunod na insidente ng mass shooting.

Matapos ang kasi ang pamamaril ng 13-anyos na suspek sa isang paaralan sa Belgrade ay nagkaroon muli ng mass shooting sa loob lamang 48 na oras.

Pinagbabaril hanggang mapatay ng 21-anyos na suspek ang walong katao sa Dubona City.

Naaresto ng mga otoridad ang suspek sa pinakahuling pamamaril at inaalam pa rin ng mga otoridad ang motibo dito.

Hinihiling ng mga mamamayan ng Serbia ang paghihigpit sa pagmamay-ari ng mga baril sa kanilang bansa.