ILOILO – Nagsisilbing nurse sa mga pasyente na nagpositibo sa Coronavirus ang mga robot sa mga hospital sa Estados Unidos.
Ayon kay Bombo International Correspondent Pinoy Gonzales direkta sa Estados Unidos, mga robot din ang nagsasagawa ng ilang mga test sa mga pasyente dahil ipinagbabawal na makapasok ang mga doktor at nurse sa isolation room.
Ani Gonzales, ipinagbabawal rin ang human to human contact sa mga pasyente na nagpositibo na sa naturang virus.
Dagdag pa ni Gonzales, nagkakaubusan na rin ang supply ng N95 mask sa mga pharmacy sa ibang parte ng Estados Unidos kagaya ng sa New Jersey.
Inabisuhan na rin ang mga tao na iwasan ang pagpunta ng China kung hindi naman kinakailangan.
Sa ngayon nasa limang tao na ang nagpositibo sa coranavirus habang 110 naman ang suspected cases sa nasabing lugar.