Naglabas ngayon ang Department of Health (DoH) ng public health warning kaugnay ng ashfall mula sa bulkang Bulusan na sa ngayon ay inilagay na sa ilalim ng Alert Level 1.
Nagkaroon ng phreatic eruption kaninag alas-10:37 ng umaga.
Ayon sa DoH, ang volcanic ash na ibinuga ng Bulusan Volcano sa Sorsogon ay mayroong carbon dioxide at fluorine na posibleng magdala ng panganib at detrimental effect sa kalusugan ng isang tao.
Kaya naman, mahigpit ang bilin ng DoH sa mga apektadong residente na iwasan ang direktang exposure sa volcanic ash.
Maiging manatili lamang daw sa loob ng bahay at isara ang mga pinto at bintana.
Panatilihing basa ang lugar para maiwasan ang alikabok.
Maglagay din ng damp curtains sa mga bintana at pinto.
Iwasan ding masinghot ang ashfall at mas mainam na magsuot ng glasses o goggles.
Ilagay ang mga alagang hayop sa closed shelters.
Palagi ring tanggalin ang mga abo sa bubong ng mga bahay at kailangang alamin ang sitwasyon ng mga kalsada bago bumiyahe.
Ang bulkan ay iniligay na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 1 (low-level unrest) mula sa dating Aler Level 0 (normal).
Noong October 2016, nagbuga rin ng abo ang Bulusan Volcano ng 20 minuto na nakaapekto sa apat na barangay.