Positibo ang naging tugon ng mga residente sa 153 kabahayan na naapektuhan ng demolisyon sa Lot 937 sa Sitio San Miguel, Barangay Apas, nitong lungsod ng Cebu sa inihanda ng pamahalaang panlalawigan na itatayong socialized housing para sa mga ito.
Nabuo ang kasunduang ito matapos ang isinagawang pagpupulong ni Cebu Governor Gwen Garcia sa mga apektadong residente kasama ang mga kinatawan ng Pag-IBIG, National Housing Authority, Department of Human Settlements and Urban Development, at Cebu City Government.
Ang socialized housing na ito para sa mga apektadong 937 settlers na nauna nang ibinunyag ni Gov. Gwen na malapit na nilang makuha sa pamamagitan ng home loan financing ng Pag-IBIG Fund.
Naglaan ang lalawigan ng humigit-kumulang 33 metro kwadrado para sa bawat residenteng nais lumipat sa lote na matatagpuan sa isa sa 16 na ari-arian na una nang inilipat ng Armed Forces of the Philippines’ Visayas Command sa Kapitolyo.
Sinabi pa ni Garcia na magiging kapaki-pakinabang umano ito para sa mga mga pamilya ng apektadong residente dahil hindi magtagal ay magkakaroon din umano ito ng titulo bilang kanilang pagmamay-ari.
Nauna nang inihayag ni Provincial Legal Officer Donato Villa, Jr. na ang Lot No. 937 ay hindi kailanman bahagi ng mga ari-arian ng Probinsya ng Cebu dahil walang record nito sa Real Estate division.