-- Advertisements --

Kumpyansa umano si Quezon City Mayor Joy Belmonte na karamihan ng residente sa lungsod ang handang magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Base sa raw sa isinagawang survey ng lungsod, nabatid nila na mas maraming sumagot ng handa silang magpakuna kaysa sa sumagot ng hindi sila magpapaturok ng COVID-19 vaccine.

“There are even more Yeses than undecided here in Quezon City,” she added.

Sa ngayon aniya ay naka-focus sila na kumbinsihin ang halos lahat ng residente sa QC na magpabakuna. Ito raw ay upang mawala ang pangamba ng mga taong undecided pa dahil sa takot na baka may hinding magandang epekto ang ituturok na gamot.

May mga sumagot daw sa survey na kaya sila takot magpabakuna ay hindi sapat ang kanilang kaalaman tungkol dito. Isa pang nagiging dahilan din ng agam-agam ng publoiko ay ang mga kumakalat na balita sa social media na nagdudulot ng pagkalito sa sambayanan.

Una nang naglunsad ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng vaccine confidence campaign upang i-promote ang kaalaman tungkol sa bakuna.

“Mga videos and webinars, lahat iyan ay nasa website po ng Lungsod Quezon and everybody who goes to the website and the Facebook page can just keep watching and watching this to convince themselves and tuloy-tuloy po iyan” dagdag pa nito.