-- Advertisements --

Pinayuhan ng gobyerno ng England ang mga negosyante at residente na magtipid sa paggamit ng tubig.

Ito ay dahil sa nararanasan nilang tag-tuyo na tinaguriang “driest summer” in 50 years.

Ayon sa Environment Agency na labis na nakakaranas ng tagtuyo ang south, southwest at southeast ganun din ang central at eastern region.

Matapos ang pagpupulong ng National Drought Group na binubuo ng mga water companies, lumabas na maging ang bahagi ng London ay naapektuhan din ng tagtuyot.

Base sa mga otoridad ay nakaranas lamang 17% ng average rainfall noong Hulyo ang Southern England.

Itinuturing din ni Water Minister Steve Double na ito na ang ikalawang heatwave na naranasan nila ngayong taon.

Maraming mga kailugan sa England na rin ang natuyuan na dahil sa naranasang labis na tag-tuyot.