Walang katotohanan ang kumakalat na reports hinggil sa nawawalang pangalan ng isang kandidato sa Pagkapangulo mula sa isang balota sa New Zealand.
Ito ang paglilinaw ni Commission on Election (Comelec) Commissioner George Garcia at tinawag ang naturang insidente na fake news.
Paliwanag ni Garcia na nauna ng nilinaw ng mismong embahada ng New Zealand na wala silang natanggap na kahit isang reklamo mula sa mga overseas Filipino voters sa New Zeland.
Ayon pa kay Garcia, kinumpirma ng dating miyembro ng New Zealand parliament Paulo Reyes Garcia ang receipt ng balota kung saan nakalagay lahat ng pangalan ng mga kandidato.
Aniya, by batch ang pag-imprenta nila ng mga balota katulad na lamang kung ang isang batch ng mga balota para sa mga New Zeland voters ay binubuo ng libu-libong balota, dapat aniya libu-libo din ng mga botante ang nagrereklamo na nawawala ang pangalan ng isang kandidato mula sa kanilang balota.
Kaugnay nito, magsasagawa ng imbestigasyon ang poll body task force against fake news hinggil sa naturang isyu at ito ay tatalakayin kasama ang National Bureau of Investigation.
Ibinahagi din ni Commissioner Garcia ng statement mula sa Philippine Embassy sa Wellington New Zealand kung saan hinihikayat ang mga botanteng Pilipino na ibalik ang mga balota kung mayroon mang nawawalang pangalan ng kandidato upang maberipika ito ng embahada.