-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Isinalarawan ng kontrobersyal na si suspended Negros Oriental 3rd District Cong. Arnulfo ‘Arnie’ Teves Jr ang mga pulis na puwersahang nagpaalis sa puwesto ka Bonifacio, Misamis Occidental Mayor Samson Dumanjog na ‘goons at holdapers’.

Kaugnay ito sa uploaded social media post sa mga tauhan ni Tambulig,Zamboanga del Sur Mayor Charlotte Dumanjog-Panal kung saan makikita kung paano sila hinarang ng mga pulis upang hindi makapalit sa sasakyan na sinakyan ng sinuspende na alkalde na ama rin nito sa nabanggit na bayan.

Sinabi ng suspended district congressman na dapat wala sa tamang lugar ang mga pulis dahil hindi na nakapag-pakita ng written order upang basehan sa pagkaladkad sa senior citizen na town mayor.

Giit sa nagtagtago rin ng batas na kongresista na nakakatakot na ang kasalukuyang kalagayan ng bansa dahil tila bagsak na ang pagpapatupad ng batas.

Una nang ipinagsigawan ng pamilyang Dumanjog ang patas at hustisya sa nangyari sa kanila subalit naninindigan rin si incumbent Misamis Occidental Governor Henry Oaminal na nasa tamang lugar ang kanilang pagpapatupad ng batas.

Si Teves ay kasalukuyan ring itinuturo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinakautak sa nangyaring pagpaslang kay late Negros Oriental Gov.Roel Degamo sa mismong bahay nito sa bayan ng Pamplona noong Marso 4,2023.