-- Advertisements --

Nagpalabas na ng subpoena ang Department of Justice (DoJ) panel of prosecutors laban sa 12 pulis na inaakusahan ng pagdukot at pagpatay sa anim na kalalakihan sa San Jose del Monte City sa Bulacan.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Rodan Parrocha, head ng panel, inatasan na raw ang mga suspek na maghain ng kanilang sagot o kontra salaysay sa Setyembre 7, 2020.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa mga
Reklamong kidnapping, murder at planting of evidence na isinampa ng mga kaanak ng mga biktima at ng National Bureau of Investigation (NBI).

Dagdag pa ni Parrocha, hindi na nila ni-require ang physical appearance ng mga akusado dahil na rin sa Coronavorus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Gayunman, hindi rin inaalis ng panel na matapos ang pagsusumite ng counter affidavit ng mga akusado sa nasabing petsa at sa kanilang pag-aaral ay kailangan talagang magtakda ng panel na didinig dito.

Aatasan naman ng DoJ panel ang mga respondent na dumalo ang mga ito sa isasagawang preliminary investigation.

Kung maalala, matapos ang isinagawang imbestigasyon ng NBI kaugnay ng pagkawala ng mga biktima at kalauna’y natagpuang patay ay nagsampa ng reklamong kriminal ang NBI at mga kaanak ng biktima sa DOJ laban sa mga inaakusahang pulis.

Kabilang dito sina Policd Maj. Leo dela Rosa, Chief Intelligence and Drug Enforcement Section ng San Jose del Monte, mga police sargent na sina Benjie De Castro Enconado, Jayson Morales Legaspi, Irwin Joy Morfe Yuson, Edmund Villamar Catubay Jr, mga police corporal na sina Jay Marc Mabasa Leoncio, Herbert Linoy Hernandez, Raymond Babida Bayan, Paul Jimenez Malgapo at mga police patrolman na sina Erwin Oplimo Sabido at Rusco Virnar Madla.