-- Advertisements --
Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maari pa ring maibalik sa puwesto ang mga kapulisan na nagsumite ng kanilang courtesy resignation.
Ayon sa Pangulo na mangyayari lamang ito kapag napatunayan na hindi sila sangkot sa iligal na droga.
Ang mga mapatunayan na sangkot sa iligal na droga ay kanilang sasampahan ng kaso at tatanggalin sa serbisyo.
Ibinunyag pa nito na mayroon siyang basbas kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na hamunin ang mga kapulisan na magsumite ng kanilang courtesy resignation.










