-- Advertisements --

Nagkagulo ang mga Israeli police at mga tao na dumalo sa libing ng Al Jazeera reporter na si Shireen Abu Aqla.

Pinagpapalo na ng mga kapulisan ang mga tao na nagpumilit na makipagsiksikan sa libing.

Muntik na rin aniyang mahulog ang kabaong ng nasawing journalist dahil sa dami ng mga tao.

Depensa naman ng mga kapulisan na kaya nila pinagpapalo ang mga tao ay dahil may ilan sa mga kanila ang namato sa kanila.

Magugunitang nabaril sa ulo na sanhi ng kaniyang kamatayan si Abu Ada habang ito ay nag-cocover ng military operation sa West Bank.

Ang 51-anyos na journalist ay mahigit na dalawang dekada na nag-uulat sa gulong nagaganap sa pagitan ng Israel at Palestine.

Handa umanong sagutin ni Palestinian President Mahmoud Abbas sa International Court ang nasabing pagkasawi ng nasabing journalist.