-- Advertisements --

Nananawagan si AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon upang malinawan marapat na magbenepisyo sa Good Conduct Time Allowant (GCTA) ang mga bilanggong convicted sa mga heinous crimes.

Inihain ni Garbin ang House Resolution No. 260, dalawang araw matapos na sabihin ng Department of Justice na ikakalugod nila kung makatulong ang Kongreso at ang Supreme Court sa paglilinaw ng mga probisyon ng batas na magpapalaya sa mga bilanggo dahil sa magandang asal sa loob ng kulungan.

“Republic Act 10592 is a good law, it seeks to promote a rehabilitation criminal justice – one that seeks to help, rather than to punish. Moreover, it seeks to unclog the country’s overly populated jails,” ani Garbin.

“However, there is a need to determine whether the criterion used in the implementing rules of the law is consistent with the very law it seeks to implement,” dagdag pa nito.

Noong nakaraang linggo naging laman ng balita ang pangalan ni convicted rapist-murderer dating Calauan Mayor Antonio Sanchez bilang sa sa nasa mahigit 11,000 bilanggong posibleng makalaya dahil sa GCTA.

Ayon kay Garbin, dapat matukoy kung ang katulad ni Sanchez na convicted dahil sa heinous crimes ay maaring makalaya sa ilalim ng Republic Act 10592,.

Iginiit ng kongresista na ang pagkakabanggit pa lang sa pangalan ni Sanchez sa mga posibleng magbenepisyo rito ay katanungan na kung mayroon nga bang sapat na safeguards ang batas o sa implementing rules and regulations nito laban sa anumang pang-aabuso.