-- Advertisements --

Pinapayagan lamang na mangisda sa Bajo de Masinloc ang mga pribadong mangingisda mula sa ibang bansa ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) spokesperson Nazario Briguera.

Ipinaliwanag ni Briguera na pinapayagan ang mga pribadong mangingisda na mamingwit sa traditional fishing grounds gaya ng Bajo de Masinloc sa ilalim ng Nations Convention on the Law of the Sea at July 2016 Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling.

Sa ilalim din ng international law, hindi pwedeng mangisda ang mga mula sa pamahalaan at commercial vessels.

Una rito, patuloy pa ring pag-angkin ng China sa Bajo de Masinloc at iba pang bahagi ng WPS sa kabila ng Arbitral ruling na nagbasura sa claim ng China na walang basehan.