-- Advertisements --

May mga nakalinya na napipintong pumalit sa nagbitiw na British Prime Minister na si LIz Truss.

Kailangan na makakuha ng 100 nominations mula sa kapwa members of parliaments para makasama sa balota.

Ibig sabihn nito ay hind na lalayo sa tatlong mga mapipili dahil sa mayroong 357 na Conservative and Unionist Party na miyembro sa MP.

Nangunguna sa pangalan dito ay ang nagbitiw din na Prime Minister noong Agosto na si Boris Johnson.

Nagbitiw si Johnson dahil sa patuloy na pagsasagawa nito ng mga party kahit mayroong COVID-19 restrictions sa bansa.

Isa rin dito ay si Rishi Sunak na tumakbo para palitan si Johnson bilang lider subalit bigo itong magwagi at makuha ang suporta mula sa Conservative MPs.

Malaki rin ang paniniwala nila na malakas na papalit kay Truss si Penny Mordaunt na siyang tumayo sa matinding pagtatanong sa Prime MInister sa Parliyamento.

Noong 2019 ay nagtala ito ng kasaysayan ng maging unang babaeng defence secretary.

Bumandera rin ang pangalan ni Ben Wallace na nabigyan ng cabinet position noong 2019.

Tahasan itong naghayag ng suporta kay Johnson na komokondina sa paglusog ng Russia sa Ukraine.

Matunog na kandidato na susunod na Prime Minister si Kemi Badenoch na tumakbo na noong nagdaang halalan subalit hindi pinalad.

Ang huling kandidato na susunod na tatakbo sa posisyon ay si Suella Braverman na naging dating home secretary.

Magugunitang matapos ang isang araw na panawagan ng mga Members of Parliament na magbitiw sa puwesto si Truss ay tuluyan na itong nagbitiw dahil sa hindi epektibo ang ipinatupad nitong tax-measures.