Hindi umano mapo-promote ang mga pulis na overweight.

Ito ang tiniyak ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa.

Kaya todo paalala si Gamboa sa mga police na sasabak sa training para sa kanilang schooling na kapag hindi makamit ang kanilang ideal weight ay hindi makaka-graduate.

Una nang dumalo si Gamboa sa physical fitness test at body mass index sa mga naka-enroll sa Public Safety Officers Basic Course Class.

Nasa 86 na mga pulis ang sumailalim sa test kung saan 49 dito ang may normal weight habang 32 ang overweight at lima ang obese.

Inihayag ni PNP chief na ang mga bumagsak sa physical fitness ay made-deny sa schooling na kailangan para sa kanilang promotion.

Hindi rin sila makapag-apply ng promotion.