-- Advertisements --
3880091 823374692

Nagpapanic-buying na umano ang mga Pinoy sa Russia sa gitna ng napaulat na armed rebellion o pag-aalsa ng pribadong mercenary group na Wagner.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan naman ang Philippine Embassy doon sa tinatayang 10,000 mga Pilipinong manggagawa na nakabase sa Russia subalit iniulat na ligtas naman ang 11 Pilipino na nasa Rostov-on-Don malapit sa border ng Russia at Ukraine nauna ng inihayag ng Wagner na kanila ng nakontrol.

Una ng sinabi ni BINC sa Moscow na si Paulo Prado noong nakaraang linggo nang mismong nag umpisa ang pag-aaklas ng Wagner mercenary group fighters na nananatiling normal ang sitwasyon partikular sa Moscow kung saan ito nakabase.

Sa kabila naman ito, ayon sa ilang overseas worker na ilang mga Pilipino na ang nagsisimulang mag-panic buying sa kabila ng mapayapang kapaligiran sa kabuuan maliban sa pagsasara ng ilang mga kalsada lalo na sa may Kremlin at Red Square na city landmark ng Moscow ay naka-red alert at may mga barikada.

Nagpaalala naman si Philippine Ambassador to Russia Igor Bailen sa mga Pilipino doon na umiwas sa mga matataong lugar.

Una na ngang hinimok ng Embahada nitong weekend ang mga Pilipino sa Russia na manatiling mapagmasid, mag-ingat at nagbabala laban sa pagbibigay ng mga political opinyon sa social media.

Ang babala ng Embahada ay matapos ianunsiyo ni Russian mercenary chief na si Yevgeny Prigozhin na nakuha na nila ang kontrol sa Rustov-on-Don bilang bahagi ng pagtatangkang patalsikin ang pamunuan ng militar ng Russia.

Subalit nito lamang weekend, umatras na ang Wagner mula sa nauna nitong plano na tumungo sa kabisera ng Moscow matapos na mamagitan ang Pangulo ng Belarus na si Alexander Lukashenko upang maiwasan ang lalo pang pagdanak ng dugo at sumang ayon din si Prigozhin na dumiretso sa Belarus.

Una na kasing inakusahan ni Prigozhin ang Russia Russian military ng pagpatay sa kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng air strike, bagay na itinanggi naman ng defense ministry ng Russia.

Hindi na rin itutuloy pa ng Russia na kasuhan pa ang Wagner kasunod ng pag-atras ng grupo