-- Advertisements --

Nanawagan ngayon ang Philippine Consulate General sa New York sa Amerika na mag-ingat ang mga Pilipino roon laban sa monkeypox.

Ito ay matapos umabot na sa 141 ang mga nagpositibo sa orthopoxvirus sa New York City.

Ayon sa New York City Department of Health and Mental Hygiene ang lahat daw ng kaso ay pawang monkeypox.

Kasunod nito, nanawagan naman ang Consulate General sa mga Pinoy sa New York na kumontak sa health care provider kapag nakakaranas ng hindi inaasahang rash/sores at iba pang sintomas ng monkeypox.

Ang nasa greater risk naman ng naturang sakit ay ang mga miyembro ng gay and bisexual community.