Muli na namang nanawagan ang Department of Health (DoH) sa lahat ng mga Pinoy na maging “very cautious” at magsuot pa rin ng facemasks kapag pupunta sa mga matataong lugar ngayong holiday season at maging sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sinabi ni DoH officer-in-charge (OIC) Maria Rosario-Vergeire, ito ay kahit na niluwagan na ang mga restrictions sa bansa dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Malalaman din umano ng DoH matapos ang 14 na araw kung mayroong pagsipa sa COVID-19 infections dahil sa mga holiday gatherings.
Pero naniniwala naman si Vergeire na sakaling tumaas man ang kaso ng nakamamatay na virus ay hindi na ito kagaya ng dati.
Ito ay dahil mas handa na raw ang ating mga kababayan at dahil bakunado na ang karamihan sa ating mga kababayan.
Maliban dito ay natuto na rin daw ang karamihan sa ating mga Pinoy na sumunod
sa mga minimum public health standards.
Una nang sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Jose Rene de Grano, na posibleng tumaas ang covid infections dahil na rin sa pagkaka-detect ng Omicron subvariant BF.7 at ang pagtitipon-tipon ng mga taon dahil sa Pasko at Bagong Taon.