-- Advertisements --

Ibinahagi ni outgoing Department of Health (DoH) Sec. Francisco Duque III na tukoy na niya ang mga pinagpipiliang susunod na health secretary.

Bagama’t hindi ibinunyag ng kalihim ang mga nasa listahan, sinabi nitong lahat naman ay mahuhusay, kwalipikado at may magandang track record.

Sinabi pa ni Duque ibinabahagi na rin niya sa susunod na administrasyon ang mga hamon na posibleng kaharapin at kailangang bigyan ng solusyon sa isyu ng pandemya.

Maging ang ang dating pinuno ng Philippine College of Physicians (PCP) na si Dr. Maricar Limpin na mahalagang may personal na karanasan sa “ground” ang susunod na DoH secretary upang maging epektibo ang mga hakbang para maitawid ang bansa sa umiiral na pandemya.