-- Advertisements --

Aktibo ring sumusubaybay at nanunuod ang mga Pilipino sa Mexico sa mga match ng FIFA World Cup 2026.

Ayon kay PH Embassy in Mexico First Secretary and Consul Ralf Roldan, marami sa mga Pilipino ang masayang nanunuod sa mga itinalagang public viewing center, kasama ang mga Mexican.

Paliwanag ng PH consul, ang football ay isang malaking sports sa Mexico at halos lahat ng mga mamamayan doon ay interesadong talakayin ito sa mga normal conversation.

Dahil dito, marami sa mga Pinoy aniya ang na-eenganyo ring magtungo sa mga viewing center, manood sa mga pasilidad kung saan sila nagtatrabaho, at makinood sa kanilang mga kakilala.

Sa kasalukuyan ay nasa ‘ce;ebratory mood’ pa rin aniya ang mga Mexican kasunod ng kanilang matagumpay na panalo noong opisyal na nagbukas ang hosting ng Mexico nitong nakalipas na lingo.

Ang bansang Mexico ay isa sa tatlong bansa na nagsisilbing host ng FIFA World Cup.

Ayon kay Consul Rodan, nananatiling matatag ang latag ng seguridad sa kabuuan ng naturang bansa, sa kabila ng mga serye ng kilos protesta sa mga kalsada na isinasabay sa hosting nito sa FIFA. (Report by Bombo Genesis Racho)