Kinumpirma ng Philippine Embassy sa London na ang mga Filipino ay kabilang sa mga naging target sa mga racist riot sa Northern Ireland, na sinasabing nagsimula matapos ang isang diumano’y sexual assault ng dalawang Romanian teenager sa isang batang babae.
Ayon sa naging advisory ng embahada noong Hunyo 12, isang sasakyan ng isang Pilipino ang sinunog ng mga nagra-riot sa Ballymena.
Ipinahayag ng embahada ang kanilang malalim na pag-aalala at sinabi na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa lugar.
Mag-aabot ng personal na pagsusuri si Philippine Ambassador Teodoro Locsin Jr. sa Northern Ireland sa Hunyo 13 upang makipagkita sa komunidad ng mga Filipino at tiyakin ang kanilang kaligtasan.
Samantala, ngayong araw, Hunyo 13 magsasagawa ng pagsusuri si Philippine Ambassador Teodoro Locsin Jr. sa Northern Ireland upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Filipino community sa rehiyon.
Hinimok din ng embahada ang mga Filipino sa Ballymena at kalapit na lugar na maging maingat, sundin ang mga utos ng mga lokal na awtoridad, at makipag-ugnayan sa embahada kung kinakailangan ng agarang tulong.