-- Advertisements --
image 74

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong buwan ng Setyembre ng kasalukuyang taon.

Ayon sa inilabas na pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistcs Authority (PSA) ngayong araw, nakapagtala ng 4.5% na unemployment rate noong Setyembre o katumbas ng 2.26 milyong Pilipino edad 15 anyos pataas na walang trabaho Ito ay mas mataas kumpara sa 4.4% na naitala noong buwan ng Agosto o 2.21 milyong Pilipino na walang trabaho.

Mas mababa naman ito kumpara sa 5% na unemployment rate sa parehong buwan ng nakalipas na taon kung saan base sa year-on-year basis, nasa 234,000 ang nabawas sa mga Pilipinong walang trabaho.

Ipinaliwanag ni PSA National Statistician USec. Claire Dennis Mapa kung bakit bumaba ang labor force participation month on month sa 358,000.

Sa labor force participation rate pagdating sa kasarian noong Setyembre, nananatiling mas mataas ang bilang mga kalalakihan na nasa 74.7% kumpara sa mga kababaihan na nasa 53.4% noong Setyembre.

Kayat mas mataas din ang bilang ng mga kalalakihang may trabaho na nasa 95.9% kumapara sa 94.8% sa mga kababaihan. Subalit sa mga walang trabaho mas mataas ang porsyento sa mga kalalakihan na nasa 11.4% kumapara sa mga kababaihan na nasa 9.8%

Samantala, nakapagtala rin ang PSA ng 5.11 million Pilipino na underemployed o nagtratrabaho lamang ng part-time o nasa trabaho na hindi tugma sa kanilang skills at abilidad noong September 2023.

Sa positibong aspeto naman, ang bilang ng mga may trabaho o negosyo noong Setyembre ay naitala sa 47.67 million o 95.5% employment rate.

Ito ay mas mataas ng 83,000 kumpara sa parehong period noong 2022. Sa mga pangunahing sektor naman na nakapagtala ng taunang pagbaba sa employed individuals ay sa Manufacturing, Wholesale at retil trade, Agriculture and forestry, Public administration and defense; compulsory social security, Financial at insurance activities.