Nagbabala si House Committee on Appropriations chairman Eric Yap laban sa mga pasaway na government officials.
Ito ay matapos na makatanggap siya sa kanyang facebook at email ng mga sumbong mula sa publiko laban sa mga opisyal ng pamahalaan na hindi ginagampanan ng maayos ang kanilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Binigyan diin ni Yap na madali na lang ngayon ma-monitor ang mga ganitong bagay sapagkat maari nang makapagsumbong ang publiko laban sa mga tiwaling empleyado ng pamahalaan.
Ayon kay Yap, ilan sa mga reklamong kanyang natanggap ay ang pagwawaldas ng ilang opisyal sa pondo ng kanilang pinagsisilbihang kagawaran.
Kasabay nito ay hinimok ni Yap ang publiko na manatiling mapagbantay laban sa mga pasaway na mga kawani ng pamahalaan.