Nakatanggap ng tulong mula kay Sen. Bong Go ang 26 na pamilyang nasunugan sa Barangay Buhangin, Davao City.
Sa kaniyang mensahe sa video call, sinabi ng senador na batid ng gobyerno ang paghihirap ng mga naapektuhan ng sunog na nawalan ng tirahan ngayong nasa kasagsagan ng pandemya ang bansa. “Alam kong hirap kayong lahat ngayon dahil sa pandemya tapos nawalan pa kayo ng bahay dahil sa nangyaring sunog,” ayon kay Go.
Isinagawa ang distribution activity sa Park Saint Jude Covered Court at tumanggap ng pagkain, cash assistance, food packs, masks, face shields, at medicine packs ang mga benepisyaryo.
May mga benepisyaryo ring tumanggap ng bagong bisikleta na maari nilang magamit sa pagpasok sa trabaho habang ang iba ay nabigyan ng sapatos.
May mga residente ring nakatanggap ng tablets para sa kanilang mga anak na magagamit sa blended learning. Habang namigay din ang senador ng pares ng sapatos sa ilan.
Ayon kay Evelina Mantigo, isa sa mga nakatanggap ng tulong, malaking bagay ang kanilang natanggap upang makabalik sa kanilang pamumuhay.
“Ako ay nagpapasalamat nang malaki kay Senador Bong Go sa kanyang tulong dahil sa aming kalagayan na mga nasunugan. Pasensya na emotional lang ako, nagpapasalamat ako nang malaki dahil ito na rin ang paraan para makabalik kami at mapatayo namin ang aming mga bahay,” ayon kay Mantigo.
Sa kaniyang pahayag, tiniyak ni Go sa mga biktima ng sunog na sa sandaling magkaroon na ng ligtas na bakuna kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na sinertipikahan ng Food and Drug Administration (FDA) ay prayoridad na mabakunahan ang mahihirap.
Kasabay nito hinikayat ng senador ang mga pasyenteng nangangailangan ng atensiyong medikal na lumapit sa Malasakit Center na nasa Southern Philippines Medical Center.
“Kung sino man ang kailangan magpa-opera, lumapit lang kayo sa akin o sa aking staff. Tutulungan namin kayo para sa inyong mga operasyon,” dagdag pa ng senador.
Noon lamang nakaraang buwan ay dumalo si Go sa pagpapasinaya ng bagong gusali sa ospital at doon matatagpuan na ang Malasakit Center.
Ang Malasakit Center ay one-stop shop na isinulong ni Go para matulungan ang mga indigent patients upang ang mga pasyente na nangangailangan ng tulong mula sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Health (DoH) Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
“Ang Malasakit Center ay para sa mga poor and indigent patients. Ano nga ba ang kwalipikasyon ng Malasakit Center? Basta Pilipino ka, qualified ka sa Malasakit Center,” ayon pa kay Go.
Kasama din sa isinagawang relief efforts ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para magbigay ng tulong sa mga pamilya. Ang mga kinatawan mula sa DSWD ay namahagi ng financial assistance sa mga benepisyaryo.
Ang Department of Trade and Industry (DTI) ay nagsagawa naman ng assessment para sa mga posibleng maging beneficiaries ng livelihood assistance program nito.
Habang nagsagawa naman ng assessement ang National Housing Authority para sa relokasyon at housing assistance.
Nagkaloob din ng scholarship grants ang at livelihood training. Pinasalamatan naman ni Go ang local government officials ng Davao City sa pamumuno ni Mayor Sara Duterte dahil sa kanilang serbisyo sa mga mamamayan doon.