-- Advertisements --
image 318

Nagkaisa at mariing hinimok ng mga pamilya ng mga biktima ng war on drugs ang International Criminal Court (ICC) na ipagpatuloy ang imbestigasyon nito sa kontrobersiyal na kampaniya kontra iligal na droga ng nagdaang administrasyon.

Ito ay matapos matanggap ng ICC ang 20 pahinang report na may petsang Mayo 22 ang dokumento na naglalaman ng mga pananaw at concerns ng 350 biktima at 165 pamilya ng drug war victims kaugnay sa nagpapatuloy na appeals proceedings.

Inihayag ng ICC na tinutulan ng mga biktima ang grounds ng apela ng gobyerno ng Pilipinas at idinulog ang pangangailangan ng isang tunay na imbestigasyon para makamit ang hustisiya para sa mga biktima ng war on drugs.

Iginiit din ng mga biktima na ang umano’y war on drugs ay nagpapatuloy pa rin sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Binanggit din ng mga biktima ang mga katibayan ng fragility ng local judicial system sa bansa.

Kabilang dito ang kawalan ng epektibong remedies para sa mga biktima, kawalan ng access para sa mga kaukulang official documents o procedures, falsification ng death certificates, protracted efforts upang mapigilan ang mga biktima na huwag ituloy ang kaso.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang pamilya ng mga biktima at sinabing patuloy ang pag-harass ng mga pulis at pag-intimidate sa mga biktima sa kanilang sariling tahanan at komunidad.