-- Advertisements --

Wala ng magiging problema sa mga pagdagsa ng mga biyahero sa mga paliparan sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataang Election hanggang sa panahon ng Undas.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Officer-in-charge Bryan Co, na magdagdag sila ng mga teller para maiwasan ang paghaba ng mga pila sa mga paliparan lalo na sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Pagtitiyak naman nito na magiging prioridad nila ang kaligtasan at ang pagkakaroon ng mapayapang pagbiyahe ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsiya.

Mahigpit ang kanilang ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya para matulungan ang mga pasahero na magtutungo sa kanilang paliparan.