-- Advertisements --

bilibid

Tiwala si Senate finance committee chairperson and budget sponsor Sen Sonny Angara na magkaroon ng ‘improvements’ sa loob ng apat na buwan sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nabalot ng mga kontrobersiya ang organisasyon nitong mga nakaraang araw matapos mabunyag na may taga New Bilibid Prison (NBP) ang nag-utos na patayin ang broadcaster na si Percy Lapid.

Nakuha rin ng ahensiya, na nagpapatakbo ng NBP sa Muntinlupa City, ang beer at shabu sa loob ng kulungan.

Inihayag naman ni Angara na ang mga sistematikong pagbabago sa reporma sa BuCor ay ipapatupad sa loob ng dalawa hanggang apat na taon.

Kung maalala, si dating Armed Forces chief-of-staff Gregorio Catapang Jr. ang kasalukuyang officer-in-charge ng BuCor matapos masuspinde ang director general nitong si Gerald Bantag para bigyang-daan ang imbestigasyon sa pagkamatay ng umano’y middleman sa kasong Lapid slay.