Sinimulan na ng ilang pagamutan sa Metro Manila ang pagbabakuna ng ikalawang dose ng Sinovac vaccine sa kanilang mga personnel.
Ito ay matapos ang apat na linggo ng iturok ang unang dose ng COVID-19 vaccine.
Ang nasabing hakbang din ay base na rin sa rekomendasyon ng Food and Drugs Administration.
Target ng Philippine General Hospital na maturukan ng second dose ang kanilang 1,900 na health workers na unang naturukan ng COVID-19 vaccine.
Aabot naman sa 230 health workers ang nakatakdang turukan ng bakuna sa East Avenue Medical Center habang mayrong 60 na health workers sa Lung Center of the Philippine Center.
Tiniyak din ng pamunuan ng mga pagamutan na hindi maaapektuhan ang schedule ng mga health workers kapag sila ay tuturukan ng bakuna dahil sa kulang ang mga tao ng pagamutan sa lumulobong bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.