-- Advertisements --
Walang malaking epekto sa ekonomiya ng bansa ang mga nagdaang bagyong Egay at Falcon.
Sinabi ni ocioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan , na hindi gaanong maapektuhan ang inflation dahil ang buwan ng Hunyo hanggang Agosto ay hindi maituturing na harvest season.
Isa ring dahilan dito ay mayroong sapat na suplay ng mga basic commodities ang bansa.
Umaasa ito na hindi na magiging malala pa ang pag-ulan sa mga susunod na araw para hindi na gaanong maapektuhan ang agrikultura sa bansa.










